^

Bansa

Ibalik na sa NFA pagbili ng palay, pagbebenta ng murang bigas – Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para matiyak na may murang bigas na mabibili ang mga tao sa buong taon, suhestiyon ni ACT-CIS Erwin Tulfo ibalik sa National Food Authority (NFA) ang pagbili ng mga palay sa mga magsasaka para ibenta bilang murang bigas sa merkado.

“Wala kasing kakumpitensya ang mga rice ­traders sa pagbili ng mga palay sa mga farmers kaya binabarat nila ang presyo,” ani Cong. Tulfo.

“At dahil kontrolado nila ang presyo sa farmgate, halos ginto ang presyo pagpasa nila sa merkado. Ngayon kung nariyan ang NFA, e di may murang bigas lagi sa merkado”, ani Tulfo.

“Napapanahon na rebisahin ng Kongreso ang Rice Tariffication Law dahil ito ang nag-alis sa NFA na makabenta ng murang bigas”, dagdag pa ng mambabatas.

Sa ngayon, tanging pag-iimbak na lang ng bigas para sa buffer stock ng bansa ang trabaho ng NFA.

“Few years ago lang bawat palengke may mga pwesto na may tinda ng NFA rice. May napagpipilian ang tao na murang bigas”, dagdag ni Tulfo.

Dagdag pa ni Tulfo, dapat ding ibalik ang may 20,000 authorize rice retailers sa buong bansa para muling makapagtinda ng NFA rice.

Nangako itong agad na rebisahin ang RTL kapag pinalad na mahalal ito bilang senador sa darating na Mayo.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with