31 porsyentong Pinoy gumanda buhay sa nagdaang 12 buwan - SWS

MANILA, Philippines — Umaabot sa 31 percent ng mga Pinoy ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, habang 30% ang nagsabing lumubha ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.
Batay sa latest SWS survey na ginawa mula Marso 15-20, nasa 38% naman ang nagsabing hindi nagbago ang kanilang pamumuhay.
Ang survey ay nagpapakita ng net gainers score na +1 na ayon sa SWS, ay mataas kahit na bumaba ng 5 points mula sa score na +6 noong Pebrero. Ang net gainers scores +1 hanggang +9 ay kinokonsiderang “high” ng SWS.
Ang mga respondents ay tinanong na “Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay mas mabuti kaysa noon, kapareho ng dati o mas masama kaysa noon”.
Ang non-commissioned survey ay ginawa ng face-to-face sa 1,800 registered voters na may edad 18 taon pataas, 300 sa Metro Manila, 900 sa Balance Luzon, 300 sa Visayas at 300 sa Mindanao.
- Latest