^

Bansa

8 Pinoy seafarers na kinulong sa Malaysia pinalaya na - DMW

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
8 Pinoy seafarers na kinulong sa Malaysia pinalaya na - DMW
Sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW), ang walong Pinoy ay mga crew ng MT Krishna 1 na nadetine sa isang police station sa Kota Tinggi, Malaysia.
Google Maps

MANILA, Philippines — Pinakawalan na ang walong Filipino seafarers na nakulong sa Malaysia dahil sa paglabag sa immigration laws sa nasabing bansa.

Sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW), ang walong Pinoy ay mga crew ng MT Krishna 1 na nadetine sa isang police station sa Kota Tinggi, Malaysia.

Kaagad na inasikaso ng DMW at Migrant Workers Office at Overseas Workers Welfare Administration sa Kuala Lumpur ang repatriation ng walo para makauwi na dito sa bansa.

Bukod dito, nakipag-ugnayan din ang DMW sa pamilya ng mga tripulanteng Pinoy para ipaalam na ligtas ang kanilang mga mahal sa buhay.

Kasama ng walong Pinoy ­seafarers ang 12 Indian crew members na ­hinuli ng Royal Malaysian Police sa Kota Tinggi Police District Headquarters sa Johor, Malaysia noong April 11 dahil sa kawalan ng pasaporte at mga kaukulang dokumento.

Matapos na malaman ang ­pag-aresto, kaagad nakipag-ugnayan ang MWO-OWWA Malaysia sa Kota Tinggi police para masiguro na maayos at ligtas ang seafarers, habang nakipag-ugnayan din sila sa mga Licensed Manning Agency (LMA) at principal para sa kanilang kooperasyon habang ginagawa ang police investigation.

Nangako naman aniya ang LMA ng walong Pinoy seafarers na ibibigay ang mga sweldo at benepisyo sa kanilang mga pamilya.

SEAFARERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with