^

Bansa

TRABAHO Partylist, suportado dagdag-allowance sa militar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
TRABAHO Partylist, suportado dagdag-allowance sa militar
Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, magandang hakbang ang dagdag-allowance sa militar, ngunit ito ay nagpapatingkad din sa pangangailangang tugunan ang hindi pantay na pasahod.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Suportado ng TRABAHO Partylist ang kama­kailang pag-apruba sa P200 dagdag allowance para sa mga kasapi ng militar, ang kauna-unahang pagtaas sa loob ng isang dekada.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, magandang hakbang ang dagdag-allowance sa militar, ngunit ito ay nagpapatingkad din sa pangangailangang tugunan ang hindi pantay na pasahod.

Ngunit kasabay nito, iginiit ng grupo ang kahalagahan ng patas na dagdag-sahod para sa mga sibilyan, partikular ang panukalang P200 dagdag sa daily minimum wage na naaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kongreso, at inaasahang makikinabang dito ang humigit-kumulang limang milyong manggagawang minimum wage earner sa buong bansa.

Nanawagan ang TRABAHO Partylist na bigyang-priyoridad ang komprehensibong reporma sa sahod na isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga manggagawa at ang katatagan ng mga negosyo.

ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with