^

Bansa

Ika-36 pagpapapako sa Krus ng beteranong ‘kristo’, huli na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na matutunghayan sa mga susunod na taon sa Barangay San Pedro Cutud, Pampanga ang beteranong gumaganap na “kristo” sa tradisyunal na pagpapapako sa krus tuwing Semana Santa.

Ayon kay Ruben Enaje, 64, pinakahuli ang ika-36 na pagganap niya na “kristo”, nitong Biyernes Santo, kasama ang iba pang ipinako sa krus at mga taong nagpepenitensya.

Sinabi ni Enaje sa mga mamamahayag na hindi na niya kaya ang pagganap lalo’t sa edad niya, kaya iyon na ang huling pagkakataon.

“Hindi ko na talaga kaya. Kinailangan nila akong itutok ng portable fans para lang makahinga ako ng normal,” ani Enaje matapos maibaba sa krus, tanggalan ng pako mula sa kaniyang palad sa gitna ng init na umabot sa 39 degrees Celsius.

Napuna din kay Enaje na bumagsak ito nang mapalakas ang tulak sa kaniya ng isang gumaganap na sundalong Romano, at inamin na nahihilo siya sa paglalakad, na kinailangang magpahinga ng 30 minuto bago magtungo sa lugar na pagpapakuan.

Dahil sa ipinahiwatig niya na pagreretiro sa nakaraan, pormal na ipinakilala ng mga lokal na opisyal ang papalit sa kaniya na si Arnold Maniago.

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with