Nangunguna sa Senado, partylist inilabas ng RPMD
MANILA, Philippines — Patindi nang patindi ang laban sa nalalapit na midterm elections sa 2025! Sa pinakahuling national survey ng RPMD Foundation Inc. kasama ang RPMD News Network Inc., lumutang ang mga matitinding pangalan sa senatorial at party-list race.
Ginawa ang independiyente at non-commissioned na survey mula Marso 25 hanggang 31, 2025 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 5,000 katao sa buong bansa, may 1% margin of error.
Nagtabla sa tuktok ng senatorial survey sina Senator Bong Go (68.3%) at Senator Bong Revilla (67.9%). Sunod sina Cong. Erwin Tulfo (63.1%) at dating Senate President Tito Sotto (62.7%) na parehong malakas ang hatak sa masa. Nasa 5th spot si Ben Tulfo (58.4%) na patunay sa lakas ng impluwensya ng media sa mga botante.
Tabla sa 6th-7th sina Congw. Camille Villar (55.3%) at dating DILG Secretary Benhur Abalos Jr. (54.6%). Ika-8 pwesto si Senator Francis Tolentino (52.9%). Tabla sina Senator Manny Pacquiao (51.5%) at Pia Cayetano (50.7%) para sa ika 9-10 sa Magic 12.
Nasa 11th-13th sina dating Sen. Ping Lacson (47.2%), TV host Willie Revillame (46.9%), at Sen. Bato dela Rosa (46.5%). Sumusunod sina Mayor Abby Binay (44.8%) at Sen. Lito Lapid (44.6%).
Sa party-list race, nangunguna ang Tingog (7.58%), kasunod ang ACT-CIS (6.32%) at Ako Bisaya (6.17%). Malalakas din ang laban ng 4Ps (5.76%), Ang Probinsyano (4.28%), Agimat (3.93%), FPJ Panday Bayanihan (3.65%), Duterte Youth (3.47%), ALONA (3.14%), at Ako Bicol (3.02%).
Pasok din sa mga posibleng makakuha ng puwesto ang Uswag Ilonggo (2.86%), TGP (2.77%), 1Rider (2.64%), Senior Citizen (2.57%), at Promdi (2.32%). May tsansang makalusot din ang Agri (2.28%), PPP (2.26%), 1Pacman (2.23%), Malasakit@Bayanihan (2.19%), Kababaihan (2.16%), Solid North (2.13%), Bicol Saro (2.08%), Cibac (2.06%), at Gabriela (2.05%).
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, malaki pa ang posibilidad ng pagbabago depende sa media mileage at lakas ng makinarya sa lokal. Binigyang-diin din ni Dr. Martinez ang bigat ng suporta mula sa mga haligi ng rehiyon tulad ni Cebu Governor Gwen Garcia, na kilala sa solidong “vote command” sa isa sa mga pinakamabobotong probinsya sa bansa—isang game-changer para sa Senado at party-list race.
- Latest