^

Bansa

Trust, approval ni Pangulong Marcos lumagapak; VP Sara tumaas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Trust, approval ni Pangulong Marcos lumagapak; VP Sara tumaas
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte answer questions from the media during the kickoff of Brigada Eskwela 2023 at Victorino Mapa High School in Manila on August 14, 2023.
Photos by KJ Rosales / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Lumagapak ang trust at performance ratings ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang survey ng Pulse Asia Research noong Marso.

Base sa resulta ng March 2025 Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia, bumaba ang approval rating ng Pangulo ng 17 percentage points o mula sa 42% noong Pebrero ay naging 25% na lamang noong Marso.

Samantala, tumaas naman ang kanyang disapproval rating ng 21 puntos at naging 53%.

Nagkaroon ng pinakamalaking pagbaba sa performance rating ng pangulo sa National Capital Region (NCR) na nasa 24 points, sinundan ng Balanced Luzon, Mindanao at Visayas.

Sa socioeconomic classes, nakapagtala siya ng pinakamalaking pagbaba sa public approval rating sa Class D, Class E, at Class ABC.

Malaki rin ang ­ibinaba ng trust rating ng Pangulo na mula sa 42% noong Pebrero ay 25% noong Marso.

Tumaas naman sa 54% ang bilang ng mga Pinoy na nagpahayag ng kawalang tiwala sa Pangulo, kumpara sa dating 32% lamang.

Nakapagpatala ng pinakamalaking pagbaba sa trust rating ng Pangulo sa NCR, 24%, sinundan ng Balanced Luzon, Mindanao at Visayas.

Nakapagtala siya ng pinakamalaking pagbaba sa trust sa Class D, Class E, at Class ABC.

Samantala, si Vice President Sara Duterte lamang sa lahat ng mataas na opisyal ng bansa ang nakapagtala ng pagtaas ng kanyang performance ratings, kung saan ang kanyang approval ­rating ay tumaas sa 59% mula sa 52%, habang bumaba ang kanyang disapproval mula 26% at naging 16%.

Tumaas din ang kanyang trust mula sa 53% noong Pebrero ay na­ging 61% noong Marso.

Ang survey ay isinagawa mula Marso 23-29, 2025, at nilahukan ng 2,400 adult Filipinos, na isinailalim sa face-to-face interviews.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with