Marcos admin triniple suplay ng P29/kilo ng bigas sa Kadiwa

MANILA, Philippines — Tatlong beses na dinoble ng pamahalaan ang suplay ng bigas na P29 kada kilo para sa mahihirap at vulnerable na mga pamilya sa mga Kadiwa stores.
Ayon kay National Food Authority (NFA) Administrator Larry Lacson, inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagtaas ng alokasyon ng P29/kilo na bigas mula 10 kilo tungo sa 30 kilo kada buwan na maaaring bilhin ng bawat mahirap na Plipino.
Pinalawak din ng Department of Agriculture (DA) ang saklaw ng kanilang P29/kilo rice program sa pamamagitan ng pagdagdag ng mas maraming tindahang Kadiwa sa buong bansa.
Matatandaan na noong nakaraang taon, inilunsad ng DA ang isang malawakang trial ng P29 rice program, isang inisyatibong pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layuning magbigay ng dekalidad na bigas sa halagang P29 kada kilo para sa tinatayang 6.9 million “vulnerable households,” na kinakatawan ang tinatayang 35 million Filipinos.
Nagsimula ang trial program sa 10 tindahang Kadiwa sa Metro Manila at Bulacan na nagbebenta ng murang bigas, at ngayon ay pinalalawak pa sa iba pang Kadiwa outlets.
Ang P29/kilo na bigas ay mula sa mga stock ng NFA na hindi na bago, at ito ay ibinibenta sa mga kwalipikadong benepisyaryo tulad ng mga kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga solo parent, senior citizen, persons with disabilities, at mga katutubo
Samantala, sinimulan na rin ang pamahalaan ang pagbebenta ng P33 kada sa mga Kadiwa stores sa mga resettlement sites para sa mga benepisyaryo ng pampublikong pabahay bilang bahagi ng food security program ng gobyerno.
- Latest