^

Bansa

DOH sa mga deboto: ‘Di kailangan saktan ang sarili

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOH sa mga deboto: ‘Di kailangan saktan ang sarili
Nag-costume bilang Roman Centurions ang mga kalalakihan sa Paete, Laguna para sa Senakulo, isang tradisyunal na reenactment ng buhay, pagpapakasakit, at kamatayan ni Hesukristo.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan kahapon ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa panganib na dulot sa kalusugan ng pagpepenitensiya o pananakit sa sarili ngayong Semana Santa.

Ang babala ay ginawa ni DOH Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo kasunod na rin ng nakaugaliang pagpepenitensiya ng ilang Katoliko ngayong Semana Santa, gaya ng ­paghagupit sa kanilang mga likod at pagpapapako sa krus, upang ipakita ang kanilang pagsisisi sa mga nagawang kasalanan.

Ayon kay Domingo, ang mga naturang sugat sa katawan na dulot ng penitensiya ay tinatawag na ‘dirty wound’ na maaaring panggalingan ng mikrobyo at pagmulan ng impeksiyon sa ating katawan.

Aniya pa, mismong ang Simbahang Katolika na rin naman ang nagsabi na hindi naman kailangang sugatan o saktan ang sarili upang ipakita ang pagbabalik-loob sa Panginoon.

“Alinsunod na rin sa mga kaparian, hindi naman kinakailangan na sugatan o saktan ang ating katawan,” pahayag pa ni Domingo, sa panayam sa isang programa sa telebisyon.

Kung talaga aniyang hindi naman mapipigilan ang mga mananampalataya sa kanilang nakaugaliang pagpepenitensiya, pinaalalahanan na lamang sila ni Domingo na tiyaking ang gagamitin nila sa pananakit sa sarili ay malinis at na-sanitized upang maiwasan ang impeksiyon.

Payo pa niya, hugasang mabuti ng sabon at tubig ang magiging sugat ng mga ito at gamitan ng mga antiseptic o iodine, sa halip na tumalon sa ilot o dagat.

“Tandaan po natin na ang mga sugat sa katawan ng penitensya ay mga tinatawag na ‘dirty wound.’ ‘Yung alikabok ng lupa, do’n sa mga lumilipad na alikabok sa paligid, saka ‘yung mga ginagamit nating instrumento, pwedeng panggalingan ng mikrobyo,” ani Domingo.

Aniya pa, “Ang tanging lunas po niyan is ­maghugas ng malinis na tubig at sabon, at paggamit ng mga antiseptic tulad ng iodine na tinatawag natin. ‘Wag na hong tumalon sa ilog, sa dagat, ‘yung paniniwalang gano’n. Linisin na lang natin sa tamang paraan.”

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with