^

Bansa

Malakas na lindol sa Abril 22, ‘fake news’ – PHIVOLCS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Fake news at walang katotohanan ang mga balitang may magaganap na malakas na ­paglindol sa bansa.

Ito ang ginawang paglilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga lumabas na babala na may malakas na lindol na magaganap sa Abril 22.

“Wag pong magpakalat ng fake news. Maraming nagtatanong sa amin totoo ba ‘yung April 22 magkaroon ng malakas na lindol. Hindi po ‘yan totoo,” pahayag ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol.

Ayon kay Director Bacolcol, walang sinuman ang makakapag-predict kung kailangan magkakaroon ng lindol dahil ito ay biglaang nagaganap anumang oras at anumang araw.

Wala rin anyang teknolohiya ang makakapagsabi kung kelan magaganap ang lindol.

Dulot nito, hinikayat ni Bacolcol ang publiko na huwag agad maniniwala sa nababasa sa social media tulad ng Facebook hinggil sa mga banta ng paglindol.

Anya, ang Pilipinas ay nakararanas ng ­paglindol dahil ang bansa ay nasa Pacific “Ring of Fire” kaya’t lagi silang nakaalerto sa anumang pagyanig na ­maaaring maganap anumang araw at oras.

FAKE NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with