^

Bansa

DOT regional operation centers pinagana sa pagdagsa ng turista ngayong Mahal na Araw

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasa­hang pagdagsa ng mga local at foreign tourist ngayong paggunita ng Mahal na Araw, pinagana ng Department of ­Tourism (DOT) ang kanilang mga regional operation centers sa buong bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inaasahang halos tatlong milyong mga turista ang darating sa iba’t ibang destinasyon sa bansa.

Dahil dito kaya aniya ini-activate ng DOT ang kanilang regional operation centers upang tiyakin ang maayos na daloy ng mga turista, lalo na sa mga lugar na inaasa­hang dadagsain ngayong holiday season.

Pinaalalahanan ­naman ni Frasco ang mga biyahero na mag-book lamang sa mga DOT-accredited na establisimyento upang makaiwas sa mga scam at masigurong ligtas at may kalidad ang kanilang karanasan.

Batay sa tala ng DOT noong nakaraang taon, kabilang sa mga inaasahang top destinations ngayong Semana Santa ay ang Cebu, Bohol, Boracay, Palawan, Siargao, Baguio, Batangas, mga rehiyon ng Ilocos, Pampanga, Pangasinan, at Puerto Galera.

Lumalakas din ang interes ng mga turista sa mga umuusbong na destinasyon tulad ng Camiguin, Siquijor, at Cagayan de Oro. Ayon sa DOT, nakikita rin ang pagtaas ng interes sa Davao at Sarangani sa Mindanao.

Noong Mayo ng nakaraang taon, pinasina­yaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kauna-unahang ­Tourist Rest Area (TRA) sa ­Luzon na matatagpuan sa Pagudpud, Ilocos Norte bilang bahagi ng layunin ng bansa na maging ­tourism powerhouse sa Asya.

Sa kabuuan, umabot sa 5.94 milyong inbound visitors ang naitala ng bansa noong 2024, mas mataas ng 9.15 porsyento sa 5.45 milyon na naitala noong 2023, ayon sa DOT.

DOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with