^

Bansa

‘Guidance Designate’ pinadaragdagan vs bullying sa mga iskul

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iminumungkahi ni Senador Win Gatchalian ang pagdagdag sa bilang ng mga “guidance designates” sa mga pampublikong paaralan upang matugunan ang mga insidente ng bullying.

Ang mga guidance designate ay mga guro na inaatasang gampanan ang mga tungkuling may kinalaman sa pagpapatupad ng guidance services.

Hinimok din ng mambabatas ang Department of Education (DepEd) na repasuhin ang ideal ratio ng mga guidance designates sa mga mag-aaral.

Sa kasalukuyan, isang guidance designate o guidance counselor ang itinatalaga kada 500 na mag-aaral. Batay sa datos ng DepEd, 10,412 sa 45,326 na mga paaralan ang walang guidance designate noong School Year 2024-2025.

Bagama’t naninindigan si Gatchalian na mahala­gang mawala sa mga guro ang mga non-teaching tasks, itinuturing niya ang pagdagdag ng mga guidance designates bilang isang pansamantalang solusyon habang hindi pa natutugunan ang kakula­ngan ng mga guidance counselors.

WIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with