^

Bansa

Hamon kay VP Sara: Linisin pangalan sa impeachment bago sumabak sa 2028 presidential polls

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Hamon kay VP Sara: Linisin pangalan sa impeachment bago sumabak sa 2028 presidential polls
Vice President Sara Duterte on August 20, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Pinayuhan na may paghamon ni Batangas Rep. Gerville Luistro si Vice President Sara Duterte na linisin muna ang pangalan nito sa impeachment court kung desidido sa plano na sumabak sa 2028 presidential elections.

Ito’y matapos umani si VP Sara ng malakas na suporta sa mga botante partikular na sa Mindanao Region na isa sa mga presidential candidates na posible nilang suportahan sa susunod na pambansang halalan.

Si Luistro, dating Batangas prose­cutor, ay isa sa mga miyembro ng prosecution team ng Kamara sa impeachment trial ni VP Sara sa Senado.

Ayon kay Luistro, dapat kuning oportunidad ni VP Sara ang impeachment laban dito para linisin ang kaniyang pangalan at ipaliwanag ang kuwestiyonableng paggasta ng P612.5 milyong confidential fund sa ilalim ng Office of the Vice President at maging noong kasalukuyan pa itong Kalihim ng DepEd.

Inihayag ni Luistro na isa ring abogado na pinag-uusapan palagi ang umano’y hindi tamang paggasta sa confidential fund, betrayal of public trust at payola envelope sa DepEd at iba pang mga seryosong alegasyon na hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag ni VP Sara.

“Since kinokonsider siya as one of the presidentiables, I think she should embrace this opportunity para maklaro rin ang sarili niya from all the allegations which are being charged against her,” sabi pa ni Luistro.

Anya, kung maipapaliwanag ni VP Sara ang isyu ay makakapagdesisyon ang mga Pinoy partikular na ang hanay ng mga botante kung sino ang dapat iluk­lok na susunod na Pangulo ng bansa.

Magugunita na noong 2022 national elections ay nakakuha si VP Sara na noo’y kasalukuyang alkalde ng Davao City ng 32 milyong boto na nagluklok rito sa kapangyarihan

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with