^

Bansa

Honeylet kinastigo ng Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Honeylet kinastigo ng Palasyo
Honeylet Avanceña with former President Rodrigo Duterte.
AFP / Mohd Rasfan

MANILA, Philippines — Pinagsabihan ng Malakanyang ang common-law wife ni ­dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña dahil sa tila pangungutya sa mga insidente ng kidnapping at patayan sa bansa.

Giit ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, hindi dapat ginagawang katatawanan ang isyu dahil may mga buhay na nawala sa mga naganap na krimen.

“Kay miss Honeylet Avanceña, huwag niyong gawin na issue dahil may buhay ditong ­nakasalalay, may mga buhay na nawala. Huwag ninyong ­gawing issue ito at gawin nitong katatawanan ang gobyerno,” pahayag pa ni Castro.

Hindi aniya nito maintindihan ang naging asal ni Avanceña dahil ­parang ikinatuwa pa nito na mayroong mga ganitong sitwasyon sa bansa.

Nanawagan naman si Castro kay Avanceña na sana huwag na maulit ang mga ganitong pananalita dahil hindi rin gugustuhin ng gobyerno na batiin ang dating Presidente sa mga nagawa nito noong extrajudicial killing dahil ­maraming mga buhay rin ang nawala sa panahon nito.

“Huwag nilang simulan ang gulo sa pamamagitan ng pagbibigay ng ganitong mga klaseng remarks o pananalita,” ayon pa kay Castro.

Dagdag pa ni Castro, kinokondena ng admi­nistrasyon ang bawat krimen na nangyayari sa bansa at sa katunayan, ay nagtatag na ang PNP ng Special Investigation Task Force upang tumutok sa kaso ng negos­yanteng si Anson Que.

CLAIRE CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with