BH Party-list kinondena bastos na biro sa solo parents

MANILA, Philippines — Kinondena ng BH party-list group ang umanoy “disrespectful at offensive” na pahayag tungkol sa solo parents.
Sa isang recorded speech na ngayo’y viral na sa mga social media platforms, sinabi umano ni Pasig City congressional candidate Atty. Christian Sia sa isa nitong campaign sortie na “para sa mga solo parent ng Pasig, minsan sa isang taon ang mga solo parent na babae na nireregla pa—‘Nay malinaw nireregla pa—at nalulungkot, minsan sa isang taon pwedeng sumiping ho sa akin. ‘Yun hong interesado magpalista na sa mesa sa gilid.”
Sinabi ni Redd de Guzman, secretary-general ng National Council for Solo Parents, Inc. at third nominee ng Bagong Henerasyon (BH) Party-list, hindi ito katanggap-tanggap dahil hindi umano biro ang mga sakripisyo at hirap na pinagdaraanan ng mga solo parents lalo na ang mga solo mothers.
“Solo parents already carry the heavy burden of raising their children on their own. The last thing they deserve is to be ridiculed or used as the punchline of distasteful jokes just to earn votes,” litanya ni De Guzman.
Aniya, ang mga joke na patungkol sa mga solo moms at patungkol sa pakikipagtalik ay walang lugar sa anumang political campaign at responsableng diskurso.
“Hindi ito nakakatawa. It reflects a serious lack of respect for women and solo parents who work hard everyday for their families. Public service demands decency and sensitivity, not this kind of behavior,” giit pa ni De Guzman.
Aniya, ang mga kandidato ay dapat ginagamit ang panahon ng pangangampanya para iparating sa taumbayan ang mga solusyon nila sa mga problema, hindi upang ipahiya ang sinuman.
- Latest