^

Bansa

Fire volunteer na nasawi sa pagsagip ng aso sa sunog, tinulungan ng ABP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuportahan ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist at na bigyan ng pag-asa ang naiwang pamilya ng isang fire volunteer na nagbuwis ng buhay sa pagsagip sa isang asong na-trap sa nasusunog na bahay, sa Tondo, Maynila noong Martes.

Sa burol ni Rodolfo Baniqued, 52, hepe ng fire volunteers na nakabase sa Tondo, personal na nagbigay-pugay si Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, first nominee ABP Partylist at nangako ng suporta.

Mula sa dinaluhang fashion event ay nagtungo si Goitia sa burol kasama si Unang Ginang Liza Araneta Marcos.

Sinabi ni Goitia na ang kabayanihan na iniwan ng nasawi ay magsisilbing pamanang inspirasyon ng sakripisyo sa kanilang grupo upang itulak ang mga kinakailangang reporma sa sektor ng serbisyong pamatay-sunog.

Binigyang-diin ni Goitia ang pangako ng ABP na ipaglaban ang mas mataas na hazard pay, libreng serbisyong medikal, mas maayos na kondisyon sa trabaho, at insurance coverage para sa mga bumbero—lalo na sa mga nasusugatan o nasasawi sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Pinuri rin ni Goitia ang pahayag ni Rolando Baniqued, ama ng nasawi, na handa silang isugal ang buhay sa pagresponde sa sunog na ?may 20 taon na silang bahagi ng fire ­volunteers kasama ang iba pang mga anak at apo. 

“Nag-aambag kami ng ­sariling pera para sa gasolina at ­nanghihingi ng donasyon para lang ­makaresponde sa mga sunog,” ani Rolando kay Goitia.

Tiniyak naman ni Goitia na matatanggap ng fire volunteer group ang hiling na magkaroon ng breathing apparatus na kailangan sa pagpasok sa makapal na usok, bukod sa iba pang konkretong reporma na nabuo ng ABP sa adbokasiyang ‘Para sa Mas Ligtas na Pinas’.

ANG BUMBERO NG PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with