Taguig solon top performing legislators sa NCR
MANILA, Philippines — Kinilala si Taguig City Congresswoman Amparo Maria “Pammy” Zamora bilang isa sa mga top-performing legislators sa National Capital Region.
Sa 2024 assessment ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) at RPMD News Network Inc. (RPMD News), kabilang si Zamora sa top lawmakers na nagpakita ng husay sa governance at leadership, legislative performance, pagiging epektibong kinatawan at public service initiatives.
Ang pag-aaral ay sumusukat sa pagiging epektibo ng mga mambabatas bilang kinatawan ng kanilang nasasakupang distrito, pagiging produktibo nila sa kongreso at serbisyo sa kanilang constituents.
Partikular na tinututukan ng mga serbisyo ni Zamora ang mahihirap at disadvantaged.
Sa kabila naman ng mga atake ng mga katunggali niya sa May 2025 elections ay hindi nagpatinag ang mambabatas. Sa halip ay patuloy na sumentro si Zamora sa pagseserbisyo sa kaniyang constituents na umaasa sa tulong ng pamahalaan.
- Latest