^

Bansa

Gobyerno ­namumuro sa ‘Grand ­Conspiracy’ sa Duterte ‘kidnap’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Gobyerno ­namumuro sa ‘Grand ­Conspiracy’ sa Duterte ‘kidnap’
Former president Rodrigo Duterte on October 28, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Maaaring maharap sa kasong kriminal sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., National Security Adviser Eduardo Año, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at DILG Secretary Jonvic Remulla matapos ibunyag mismo ni Remulla ang kanilang direktang partisipasyon sa isang operasyong suportado ng gobyerno upang “ipatapon” sa ibang bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Raul Lambino, ito ay isang “grand conspiracy” kung saan mismong mga pahayag ni Remulla ang nagpatunay na may sabwatan sa likod ng isang kriminal na hakbang na maitutu­ring na kidnapping, isang mabigat na kasong may kaukulang parusa sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

“Ito ay grand ­conspiracy—government-sponsored kidnapping ang ginawa nila. At presidente at mga cabinet members ang nagplano nito, at mismong si Jonvic umamin dyan,” ani Lambino.

Paliwanag ni Lambino, binasag ng pahayag ni Remulla ang naunang pagtanggi ni Marcos Jr., patunay na matagal nang pinagplanuhan ang pagdukot kay Duterte.

Binigyang-diin ni Lambino na ang mga pahayag ni Remulla ay maituturing na ebidensya ng isang kriminal na sabwatan na maaaring gamitin sa korte upang pormal na kasuhan sina Marcos, Año, Teodoro, at Remulla.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with