Prosecution team sa VP Sara impeachment trial handa na

MANILA, Philippines — Handa nang sumabak ang mga miyembro ng Kamara na bahagi ng prosecution team para sa pagdinig sa pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte sakaling magpatawag na ang Senado.
“I believe that the prosecution team is ready. Weekly meron kaming meeting, deliberation, preparation about the articles of impeachment that we will be presenting to the impeachment court once the trial commences,” ayon sa isang miyembro nito na si Batangas Rep. Gerville Luistro nitong Biyernes sa panayam ng Teleradyo Serbisyo.
Isa si Luistro sa 11 House members na magsisilbing prosecutors sa impeachment trial.
Inamin niyang gusto niyang siya ang humawak ng second article of impeachment, na patungkol sa diumano’y maling paggamit ng confidential funds.
Hindi pa inilantad ni Luistro kung sinu-sino din ang kukunin nilang private prosecutors hanggat hindi pa naisasapinal ang listahan.
Nakahain na sa Korte Suprema ang petisyon ni Duterte para sa temporary restraining order at writ of preliminary injunction, na nagsasabing ang impeachment complaint na inendorso ng Kamara ay lumabag sa isang taong pagbabawal sa mga impeachment complaint matapos ang isa ay sinimulan.
- Latest