^

Bansa

Info leak sa PCO, ibinunyag ni Ruiz

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz na mayroong leakage o pagkalat ng mga sensitibong impormasyon mula sa kanilang tanggapan.

Sinabi ni Ruiz na dapat ay confidential ang lahat ng dokumento at utos mula sa kanilang tanggapan subalit nakakalabas ito.

Ito rin aniya ang dahilan nagpalabas ng kautusan si Executive Secretary Lucas Bersamin ng courtesy resignation sa lahat ng presidential appointee sa nasabing ahensiya.

Dagdag pa ng kalihim na bahagi ito ng kautusan ng Palasyo na dapat sundin para magkaroon ng pagbabago sa PCO.

Hindi rin naman aniya niya sinasabi na mula sa PCO ang nagpapakalat ng mga impormasyon dahil maaari rin itong nanggagaling sa labas ng Palasyo.

Bukod sa leakage ay nagkakaroon din ng intrigahan at siraan sa loob ng ahensiya kaya naaapektuhan ang trabaho sa PCO.

Dahil dito kaya hinikayat ni Ruiz ang mga ­empleyado ng PCO na itigil na ang siraan at tumutok na lamang sa trabaho para sa mas maayos na trabaho sa publiko.

PCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with