H.E.L.P. Pilipinas 1st Nominee Dr. Mildred Vitangcol: Pagpapagaling sa Bansa Higit sa Medisina

MANILA, Philippines — Naniniwala ang unang nominado ng H.E.L.P. Pilipinas Partylist na si Dr. Mildred Vitangcol na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang tungkol sa pagpasa ng batas, kundi pagtiyak na ang mga patakaran ay mabisang naipatutupad at nararamdaman ng tao.
Sinabi ni Vitangcol na mula sa kaniyang karanasan bilang isang dalubhasang gastroenterologist, pagiging aktibo sa organisasyon tulad ng Rotary, InnerWheel, at Zonta, lider ng St. Peter Life Plan at kinilala bilang isa sa Empowered Women in the World, ay walang sawa siyang magse-serbisyo sa publiko sa pagpasok sa larangan ng pulitika.
Aniya, ang malaking pangangailangan-isang systemic na pagbabago na makikinabang sa mga komunidad, lalo na sa mga walang access sa mga pangunahing serbisyo ang nagtulak sa kaniya na itatag ang H.E.L.P. Pilipinas Partylist.
“Hindi natin masasabi ang tungkol sa pambansang pag-unlad nang hindi tinutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga tao—magandang kalusugan, de-kalidad na edukasyon, at matatag na mga oportunidad sa kabuhayan. Iyan ang silbi ng H.E.L.P. Pilipinas,” ani Dr. Vitangcol.
Kabilang sa plataporma ng partylist ang transformative policy na naglalayong palakasin ang kalusugan ng komunidad, palawakin ang access sa mahahalagang serbisyo, at bigyang kapangyarihan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng edukasyon at napapanatiling mga oportunidad sa kabuhayan.
Naniniwala siya na ang kanyang kuwento ay isang paalala na ang pagpapagaling sa isang bansa ay higit pa sa medisina—kailangan nito ng pananaw, dedikasyon, at lakas ng loob upang ipaglaban ang magandang kinabukasan para sa lahat ng Pilipino.
- Latest