^

Bansa

Duterte hinamon: Ilabas ebidensiya na nagbenta ng ginto si Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinamon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro si dating Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng ebidensiya na si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang nag-utos na ibenta ang mga gold sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Castro na siya rin bagong talagang Presidential Press officer, na Oktubre 2024 ay nasagot na ang nasabing isyu, kaya nakakagulat na bigla-bigla na lamang itong inilulutang ni Duterte.

Kasabay nito, binasa rin ni Castro ang pahayag ng BSP na ang pagbebenta ng gold ay regular na aktibidad ng BSP kahit noong panahon pa ng dating pangulo.

Kaya tanong niya, wala bang economic advisers ang dating presidente na siyang magtuturo na trabaho lang ito ng BSP kahit noong siya pa ang nakaupo.

Bilang patunay aniya, tumaas pa ang gross international reserves (GIR) ng bansa kabilang dito ang gold na pinapamahalaan ng BSP para mapanatili ang international stability at conver­tibility ng Philippine peso at matugunan ang net demand ng BSP para sa foreign currency.

Sa sandaling maibenta aniya ng BSP ang gold, mapupunta ito sa GIR at bilang patunay ay tumaas pa ito noong nakaraang taon sa $106.3 billion kumpara sa $103.8 billion noong 2023.

Matatandaan na nitong Sabado ay iniha­yag ni Duterte sa isang campaign rally sa Cebu na ang pamilya ni Marcos ang siya umanong nagnakaw at ibinenta ang gold ng Pilipinas.

PCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with