PCO Chief Chavez nagbitiw
Jay Ruiz papalit
MANILA, Philippines — Nagbitiw na bilang acting secretary ng Presidential Communications Office (PCO) si Cesar Chavez.
Sa kabila nito, sinabi ni Chavez na mananatili siya sa kanyang puwesto hanggang Pebrero 28 o mas maaga pa kung agad na makahahanap ng kapalit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nagsumite na rin aniya siya ng kanyang irrevocable resignation noong Pebrero 5, 2025.
Bagama’t hindi na bahagi ng administtasyon, siniguro naman ni Chavez na patuloy niyang susuportahan ang gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyo publiko.
Nagpasalamat si Chavez sa tiwala at kumpiyansa na ipinagkaloob ni Pangulong Marcos.
Disyembre noong nakaraang taon nang italaga ni Pangulong Marcos si chavez bilang acting secretary ng PCO.
Samantala, ang batikang journalist na si Jay Ruiz ang napili ni Pangulong Marcos na bagong pinuno ng PCO kapalit ni Chavez.
Ayon kay Chavez, nakausap na niya si Ruiz para ipakilala sa PCO.
“I am also hoping that this kind of transition can be institutionalized in all other agencies,” dagdag ni Chavez.
Si Ruiz ang ikaapat na PCO Secretary ni Pangulong Marcos, una rito sina dating PCO Secretaries Trixie Angeles, Cheloy Garafil at si Chavez.
- Latest