Mass protest sa LRT-1 fare hike nakaamba

MANILA, Philippines — Nagbabala si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) sa nakaambang ‘massive protest actions’ kung hindi ipatitigil muna ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang P5-P10 taas pasahe sa Light Rail Transit (LRT) 1.
Ito’y kasunod ng inianunsyo ng LRMC na simula Abril 2, ang pinakamaikling LRT-1 trip ay P20 (dating P15) habang ang pinakamahabang biyahe ay P55 (dating P45).
Ayon kay Cendaña, ang hinihingi ng mga commuters ay i-extend ang operating hours ng LRT-1 pero ang ibinigay o itinugon umano ay dagdag pasahe at pasakit.
Nitong nakalipas na linggo ay inimbitahan ng Akbayan Partylist ang bagong talagang si DOTr Secretary Vince Dizon para sa dayalogo sa pangunahing mga isyu sa transportasyon ng mga commuters.
“Kung ico-compute, 200 to 400 pesos ang madaragdag sa monthly expenses ng ating mga commuter. Hindi makatao at maka-commuter ang ganitong uri ng polisiya,” dagdag ni Cendaña.
- Latest