^

Bansa

ICC members labas-masok sa Pinas – OSG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
ICC members labas-masok sa Pinas – OSG

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Office of the Solicitor General (OSG) na malayang nakakapasok at nakakalabas ng bansa ang mga miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Ito, ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, ay kahit tinapos na ng Pilipinas ang ugnayan sa ICC na nais imbestigahan ang war on drugs na ng Duterte administration.

Ayon kay Guevarra, narinig nila ang mga ulat na labas-masok sa Pilipinas ang mga taga-ICC.

Aniya, hindi naman pinipigilan ang mga ito ng Bureau of Immigration (BI) dahil hindi naman ito ipinagbawal ng pamahalaan.

Dagdag niya, ...”kung iyan ang mandato ninyo na mag-imbestiga, mag-imbestiga kayo.”

Binigyang-diin ni Guevarra na ang posisyon ng gobyerno ay huwag sumama sa ginagawa ng ICC.

Hindi rin aniya ito dapat na umasang tutulong ang Pilipinas sa kanila dahil gumagawa ng sariling imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ), batay sa naging rekomendasyon ng Quad Committee.

Sinabi pa ng OSG chief na kung talagang nais ng ICC na makatulong, dapat na suportahan nila ang imbestigasyon ng Pilipinas, at hindi ang Pilipinas ang susuporta sa kanila.

Maaari aniyang ibigay ng mga ito ang mga nakuhang impormasyon upang ang Pilipinas na ang magsagawa ng paglilitis at hindi ang ICC.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with