^

Bansa

Pangulong Marcos pinuri DSWD sa serbisyo sa mahirap

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos pinuri DSWD sa serbisyo sa mahirap
President Marcos said he advised his son, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, to support the impeachment process, but that he himself is merely an observer.
RYAN BALDEMOR

MANILA, Philippines — Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga staff ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng “outstanding” at “authentic” na serbisyo publiko upang maibigay ang iba’t ibang tulong sa nangangailangang Pinoy.

Sa kaniyang speech sa 74nd founding anniversary ng DSWD na ginawa sa SMX, kinilala ni Marcos ang kahalagahan ng ahensya sa pagbibigay suporta sa mga Pinoy lalo na ang mga nasa vulnerable communities.

Malaki aniya ang naging papel ng DSWD para maibsan ang kahirapan at malabanan ang kagutuman. Sinabi ng Pangulo na saksi siya sa ­sakripisyo ng mga staff ng DSWD.

Binanggit din ni Marcos ng tagumpay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na nakatulong ng malaki sa kalusugan at edukasyon ng maraming pamilyang Pilipino.

Kasabay nito ay hinimok ng Pangulo ang DSWD na patuloy pang pagbutihin ang social protection initiatives ng pamahalaan gaya ng 4Ps, unconditional cash transfer program, at social pension program.

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with