343 sa 2K panukala batas na ngayon – Revilla
‘Nagbudots lang daw ako sa Senado’
MANILA, Philippines —Sinagot ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang pamba-bash ng netizens na nag-budots lang siya sa Senado.
“Sinasabi nila nag-budots lang daw ako. Nag-budots lang, totoo nag budots ako sa senado. Nag-budots ako ng 2,000 panukalang batas at nakapagpasa ng 343 na batas na ngayon,” pahayag ni Revilla sa kaniyang talumpati sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate rally sa Pasay City noong Martes.
Ilan sa batas na nagawa ng senador ay ang Kabalikat sa Pagtuturo Act kung saan garantisado nang matatanggap ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ang P10,000 teaching allowance mula sa dating P5,000 lamang.
Naging batas din ang Anti-No Permit No Exam Policy at ang Expanded Centenarian Law ng senador.
“At ‘yung mga estudyante, ‘yung Anti-No permit no exam policy. Bawal na ngayon ‘yan. Dahil sa ating batas kahit hindi fully paid ang ating mga kabataan pwede silang mag-exam. Kaya marami pang batas ang ating lola at lolo. ‘Yung Expanded Centenarian Law na ipinaglaban namin. ‘Yung ating mga lola at lolo 80,85,90,95 tatanggap ng 10,000 pesos simula sa taong ito,” sambit pa ng senador.
- Latest