^

Bansa

Bong Go: Bloggers, ­influencers ‘wag patahimikin!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang pagsuporta sa mga blogger at social media personalities sa pagsasabing malaki ang kanilang papel sa paghubog ng pampublikong diskurso at pagpukas sa mahahalagang pambansang isyu.

Idiniin ng senador na ang digital space ay dapat manatiling isang platform para sa malayang pagpapahayag at pagsasabi ng katotohanan.

“Ang mga bloggers, mga social media influencers ay may mahalagang papel sa lipunan. Sila ang boses ng taumbayan. Dapat silang suportahan, hindi patahimikin, basta doon lang tayo sa kung ano ang totoo,” sabi ni Go.

Sinabi ni Go na mahalaga ang malayang pagpapahayag ng saloobin, lalo sa mga usaping may direktang epekto sa ating mga kababayan.

Nanindigan si Go na ang kalayaan sa pagpapahayag at pananalita ay dapat itaguyod nang walang pag-aalinlangan o takot.

CHRISTOPHER “BONG” GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with