^

Bansa

Tolentino, pasok sa top 6 – survey

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasok si Senator Francis “Tol” Tolentino sa nangungunang anim na ihahalal na senador sa darating May 2025 midterm elections, batay sa pinakabagong survey ng Social Pulse Philippines.

Ang survey na ginawa mula Enero 26 hanggang Pebrero 8, 2025 mula sa 1,000 participants sa buong bansa na may margin of error na ±3%.

Batay sa survey, ang pasok sa top 12 senatorial preferences (February 2025 Survey Results) ay sina Erwin Tulfo, Ben Tulfo, Bong Go, Tito Sotto, Francis Tolentino, Bong Revilla, Pia Cayetano, Manny Pacquiao, Camille Villar, Lito Lapid, Kiko Pangilinan at Bam Aquino.

Nagsama-sama sa lumabas na survey ang mga batikang mambabatas, mga personalidad sa media, mga bago at datihan na sa pulitika, na nagpapahiwatig ng iba’t ibang damdamin ng mga botante.

Itinatampok ng matibay na ­posisyon sa survey nina Erwin at Ben ang ­kanilang appeal o popularidad sa media, habang ang pagtalon ni Sen. ­Tolentino sa top 6 ay dahil sa lumalakas na pagsuporta sa kanyang mga ­gawaing panglehislatura.

FRANCIS “TOL” TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with