ACT-CIS tiyak pa rin 2 puwesto sa Kongreso
MANILA, Philippines — Sa pinakahuling resulta ng Tangere’s 2025 Pre-Election Party-List Preferential Survey na isinagawa noong Pebrero 11-14, 2025, bahagyang bumaba ang nakuhang boto ng ACT-CIS ng 5%.
Nabatid na sa nakalipas na dalawang buwan, nasa 10% na ang naitalang pagbaba ng voter preference sa ACT-CIS.
Sa kabila nito, inaasahan pa rin ng grupo na makakuha ng dalawang upuan sa Kongreso na may 4.50% na kagustuhan ng botante.
Nakaapekto ang isyu sa citizenship ng kasalukuyang kinatawan ng ACT-CIS na si Erwin Tulfo.
Bunsod nito, nangunguna sa survey para sa Pebrero 2025 survey ang 4Ps Party-list, na nakakuha ng 8.25%. Sinundan ng Duterte Youth Party-list – 5.08%, Tingog Partylist - 4.33%, Ako Bicol Party list (Ako Bicol Political Party) – 4.25% at Agimat – 3.50%.
Nasa 41 pang party-list ang inaasahang magkakaroon ng tig-isang upuan sa Kongreso.
- Latest