^

Bansa

SC pinagkokomento Senado sa impeach trial vs VP Sara

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
SC pinagkokomento Senado sa impeach trial vs VP Sara
The main building of the Philippine Supreme Court in Manila as taken on December 13, 2024.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Inatasan ng Korte Suprema ang Senado na maghain ng komento sa petisyong inihain ng isang abogado na humihiling na kaagad nitong simulan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa idinaos na en banc session kahapon, binigyan ng Korte ang Senado ng 10 araw na non-extendible period upang magsumite ng kanilang komento.

“Impeachment is a nationwide concern that will be treated with urgency because of the gravity of the matter,” pahayag ni SC spokesperson Atty. Camille Ting.

Matatandaang noong nakaraang linggo, hiniling ni Atty. Catalino Gene­rillo Jr. sa SC na atasan ang Senado na kaagad na mag-convene bilang isang impeachment court at umpisahan na ang impeachment trial laban sa bise presidente.

Giit ng abogado, hindi pinahihintulutan ng Konstitusyon ang Senado na i-delay ang tungkulin nito sa panahon ng recess.

Una nang inaprubahan ng Kongreso ang impeachment at kaagad na iniakyat sa Senado noong Pebrero 5. Gayunman, hindi kaagad sinimulan ng Senado ang impeachment trial.

SENADO

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with