Kampo ni VP Sara panic mode na sa impeachment trial - House prosecutors

MANILA, Philippines — Nasa panic mode at desperado na umano ang kampo ni Vice President Sara Duterte matapos na maghain ng petisyon sa Korte Suprema para harangin ang paglilitis laban dito sa Impeachment Court ng Senado.
Iginiit ni AKO Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon, miyembro ng 11-man team ng House prosecutors, na ang impeachment complaint laban kay Duterte na inihain noong Pebrero ay natugunan ang lahat ng rekisitos at nalagpasan pa nga ang kinakailangang 1/3 na boto para masimulan ang impeachment trial.
Ayon sa solon, ang impeachment ay isang prosesong pulitika at hindi hudikatura na nakasaad sa Saligang Batas.
Anya, bahagi ng ‘delaying tactics’ ng kampo ni VP Sara ang paghahain ng mga ito ng petisyon para harangin ang paglilitis sa impeachment.
“We challenge the Vice President’s camp to stop these stunts and face us in trial. The Filipino people deserve no less,” sabi pa ng mambabatas.
- Latest