VP Sara dapat nang mag-resign - Gadon
MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon si Vice President Sara Durterte na magbitiw na lamang sa puwesto upang maging maayos ang kredibilidad nito sakaling tumakbo ito sa pagkapangulo sa 2028.
“Nanawagan ako kay Vice President Sara Duterte na mag-resign na lang. Sapagkat hayag na hayag na ang kanyang mga violations. Paano mo i-explain ‘yung Mary Grace Piatos na naka-received ng P25 million ‘intelligence fund’? Eh yun taong ‘yun eh nacertify na ng Philippine Statistic Office na non-existing,” ani Gadon.
Ayon kay Gadon, upang hindi na ma-impeach si VP Sara, mas makabubuting mag-resign na lamang ito.
“Gustong gusto ko siyang tumakbo, because gusto ko siyang mapahiya dahil wala naman talaga siyang boto,” dagdag ni Gadon.
- Latest