8 LGUs pa magdedeklara ng dengue outbreak
MANILA, Philippines — Walong local government units (LGUs) pa ang nakitaan ng Department of Health (DOH) nang nakakabahalang pagtaas ng bilang ng dengue cases.
Hindi naman tinukoy ng DOH ang mga pangalan ng iba pang lugar, ngunit sinabing matatagpuan sa tatlong rehiyon sa bansa, kabilang ang National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4A.
Una nang nagdeklara si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng dengue outbreak sa kanilang lungsod matapos makapagtala ng mahigit sa 1,700 kaso sa unang dalawang buwan pa lang ng 2025.
Sa naturang bilang, 10 pasyente, na kinabibilangan ng walong menor-de-edad, ang sinawimpalad na nasawi.
Inaasahan naman ng DOH na magdedeklara na rin ng dengue outbreak sa mga susunod na araw ang walo pang LGUs.
“The DOH sees a concerning rise in the number of Dengue cases in nine (9) local government units (already including Quezon City), spread out across three regions (IV-A, III, NCR),” anang DOH.
Alinsunod sa batas, ang deklarasyon ng isang local dengue outbreak ay maaari lamang isagawa ng isang opisyal ng LGU.
- Latest