^

Bansa

‘Kill threat’ ni Duterte vs mga senador pinasisilip sa NBI

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pahayag ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte na patayin ang 15 senador para makaupo sa Senado ang kanilang mga pambatong kandidato.

Sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na kung naglunsad ng imbestigasyon ang NBI sa umano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza at Speaker Ferdinand Martin Romualdez, nararapat lamang na suriin din ang mga pahayag ng dating pangulo.

“In a democracy, words have power—especially when they come from someone who has held the highest office in the land. If certain statements warrant legal scrutiny, it is imperative that all similar declarations be assessed fairly and consistently,” punto ni Adiong.

Sa proclamation rally ng PDP-Laban sa San Juan City nitong Pebrero 13, binanggit ni Duterte ang pagpatay sa mga senador para magkaroon ng bakante at makapwesto ang siyam na senatorial bet ng kanilang partido.

“Ngayon, marami kasi sila, ano ang dapat gawin natin? Eh ‘di patayin natin ‘yung mga senador ngayon para mabakante. Kung makapatay tayo ng mga 15 na senador, eh ‘di pasok tayong lahat,” anang dating pangulo.

“Pero kawawa naman. Pero nakakainis kasi, hindi naman lahat. Talking of opportunities, the only way to do it is to pasabugin na lang natin ‘yang ano,” dagdag pa niya.

Ang kaniyang pahayag ay sinalubong ng malakas na hiyawan ng kanyang mga taga-suporta na sabay-sabay ding sumigaw ng, “Kill! Kill! Kill!”

Binigyang-diin ni Adiong na hindi dapat balewalain ang mga ganitong pahayag, lalo na’t may mga pagkakataong isinagawa ng mga tagasuporta ni Duterte ang kanyang mga sinabi.

“Kung ang pagsabi ng bomb joke ay bawal sa batas at may kaakibat na kaparusahan, lalo na dapat ‘yung banta na magpapatay ka ng 15 senador,” saad ni Adiong.

 

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with