^

Bansa

Romualdez pinuri anti-smuggling ops ng Customs

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Bureau of Customs (BOC) sa pinaigting nitong kampanya laban sa smuggling na nagresulta sa pagkakasamsam ng ?85.1 bilyong halaga ng kontrabando at ang matagumpay na pagsasagawa ng mahigit 2,100 anti-smuggling operations noong 2024.

Habang kinikilala ang mga mahahalagang tagumpay ng BOC, muling iginiit ni Speaker Romualdez ang agarang pangangailangan na palakasin pa ang pagpapatupad ng batas laban sa agricultural smuggling, na patuloy na banta sa mga lokal na magsasaka at sa seguridad sa pagkain.

“Maganda ang ginagawa ng Customs sa paglaban sa smuggling, pero hindi tayo dapat huminto. Kailangang mas paigtingin ang kampanya lalo na laban sa agricultural smuggling na sumisira sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at nagpapahirap sa taumbayan,” diin ni Romualdez.

Ipinunto rin ng Speaker ang nakakabahalang mga ulat tungkol sa malalaking bulto ng bigas na naiwan sa mga pantalan at ang pagtatambak ng mga imported na frozen chicken, na nagpapalakas ng hinala na may nagaganap na manipulasyon sa suplay.

Anya, ang ganitong imoral at iligal na gawain ay nagpapahirap sa mga magsasaka at mamimili, nilalabag ang patas na presyo, at inilalagay sa ­panganib ang seguridad sa pagkain ng bansa.

“Huwag nating hayaang magamit ang smuggling at hoarding bilang sandata laban sa ating ekonomiya. Dapat supilin ang mga sindikato at tiyakin na ang pagkain ay abot-kaya ng bawat Pilipino,” ani Romualdez.

 

BUREAU OF CUSTOMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with