^

Bansa

Cashless toll sa expressways balik na sa Marso 15

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Cashless toll sa expressways balik na sa Marso 15
This photo shows a picture of the North Luzon Expressway which connects to the Mindanao Avenue.
STAR / File

MANILA, Philippines — Simula sa Marso 15, balik na sa cashless o contactless toll collection sa mga pangunahing toll expressway, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB) nitong Sabado.

Paalala ng TRB, ang lahat ng mga motorista ay kinakailangang magkaroon ng valid Electronic Toll Collection (ETC) device o radio frequency identification (RFID) stickers sa kanilang mga sasakyan.

Ang mga motoristang walang ETC o RFID sticker ay papayagan pa ring makapasok sa mga toll plaza subalit kailangan na silang magpalagay ng tag.

Gayunpaman, ang mga walang ETC o RFID ay iisyuhan ng deputized personnel ng Land Transportation Office (LTO) ng Temporary Operator’s Permit o Show Cause Order dahil sa paglabag sa “No Valid ETC Device, No Entry” Policy sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No. ng Department of Transportation, LTO, at TRB.

Pagmumultahin din ang mga motorista na walang valid RFID at sa may RFID subalit ‘insufficient load balance”.

Paliwanag ng TRB, ang cash lanes ay kadalasang nagdudulot ng paghaba ng linya at pagbagal ng daloy ng trapiko patungo sa kanilang ETC designated lanes.

Unang ipinatupad noong Disyembre 2020 ang cashless collection ngunit ito ay nasuspinde dahil sa ilang mga isyu sa operasyon.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang San Miguel Infrastructure, Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), MCX Tollway Inc., Bases Conversion and Development Authority (BCDA), Philippine Reclamation Authority (PRA) at subsidiary PEA Tollway Corp. (PEATC) sa inisyatibong ito ng TRB.

Ang MPTC ang may hawak ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX),  Cavite-Laguna Expressway (CALAX), Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX), at NLEX Connector.

Ang SMC Infrastructure sa pamamagitan ng SMC ang nagpapatakbo naman ng South Luzon Expressway (SLEX), Skyway Stage 3, Southern Tagalog Arterial Road (STAR), NAIA Expressway, at ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Ang MCX Tollway Inc., naman ang nag-oopereyt ng Muntinlupa-Cavite Expressway.

Batay sa pinakabagong data mula sa TRB, na 97% ng mga user ng expressway ay gumagamit na ng ETC/RFID sticker para sa pagbabayad ng toll.

ETC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with