^

Bansa

Senator Imee itinangging may away sila ni Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senator Imee itinangging may away sila ni Pangulong Marcos
Senator Imee Marcos.
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Sen. Imee Marcos na may away sila ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Marcos na kapatid pa rin niya ang Pangulo at ang magulo ay ‘yung mga nakapaligid sa kanila.

“Siyempre kapatid ko pa rin ‘yan, pero ‘yun nga talagang hindi naman kami nagkakagulo sa pamilya. Ang magulo ‘yung mga nakapaligid sa dalawang panig,” ani Marcos na muling tumatakbo sa Senado.

Hinala ni Marcos, ang mga nagmamadali para sa 2028 presidential election ang nagpapagulo sa kanila.

“Alam naman ninyo, maraming chismoso, maraming inggitero at ambisyoso [na] nagma­madali sa 2028. Ang layo layo pa. Patapusin muna sila Bongbong at [Vice President Sara Duterte]. ‘Wag naman ganitong bakbakan nang bakbakan,” ani Marcos.

Ang nasabing “bakbakan” aniya ang dahilan kaya minsan ay humihiwalay siya.

“Yan ang ayaw ko kaya humihiwalay ako kung minsan eh,” ani Marcos.

Matatandaan na sumama si Marcos sa dalawang unang campaign rallies ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kahit sinabi niyang magi­ging “independent” na siya.

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with