^

Bansa

Duterte gustong pumatay ng mga senador

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Duterte gustong pumatay ng mga senador
Former President Rodrigo Duterte attends the Senate hearing into his war on drugs campaign on Oct. 28, 2024.
The Philippine STAR / Jesse Bustos

Para maipuwesto 9 pambato ng PDP-Laban…

MANILA, Philippines —  Pabirong inihayag ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipapapatay ang mga senador upang maipuwesto ang siyam na kandidatong pambato ng PDP-Laban sa May 12, 2025 senatorial race.

Sa proclamation rally ng PDP senatorial bets sa Club Filipino, sa San Juan City kamakalawa, sinabi ni Duterte na marami kasi ang senador kaya’t ang dapt gawin ay patayin ang mga ito upang may mabakanteng puwesto.

Ayon kay Duterte, makapatay lamang sila ng 15 senador ay makakapasok na silang lahat.

“Ngayon, marami kasi sila, ano ang dapat gawin natin? Edi patayin natin ‘yung mga senador ngayon para mabakante. Kung makapatay tayo ng mga 15 na senador, edi pasok tayong lahat,” anang dating pangulo.

Biglang bawi naman ito sinabing, “Pero kawawa naman. Pero nakakainis kasi, hindi naman lahat. Talking of opportunities, the only way to do it is to pasabugin na lang natin ‘yang ano.”

Sa nasabing proclamation rally ay pormal na inendorso ni Digong ang senatorial candidates ng PDP-Laban na sina Sen. Bong Go, Sen. Bato Dela Rosa, abogado at mang-aawit na si Jimmy Bondoc, Atty. Raul Lambino, aktor na si Philip Salvador, Jayvee Hinlo, Rep. Rodante Marcoleta, pastor Apollo Quiboloy, at dating executive secretary Vic Rodriguez.

RODRIGO ROA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with