Pinay na mas pabor sa live-in, dumami

MANILA, Philippines — Tumaas ng 19 percent ang bilang ng mga kababaihan na mas pumapabor sa set-up na live-in kaysa magpakasal noong 2022.
Ito ay mas mataas sa 5 percent ng mga kababaihan na gusto ng live-in set-up noong 1993 batay sa survey ng Commission on Population Development.
Base sa National Demographic and Health Survey na ang 19 percent ng kababaihan na mas gusto ang set-up na live-in ay may edad 15-49 anyos.
Ayon sa survey ng tanggapan bumaba naman sa 36 percent noong 2022 mula 54 percent noong 1993 ang bilang ng mga ikinasal.
Ayon kay Nestor Castro, isang anthropologist, nagbago ang pananaw ng mga Pilipino sa pamilya dahil pareho nang nagtatrabaho ang mag-asawa at nakikisalamuha sa iba, na maaaring nakaapekto sa relasyon.
- Latest