^

Bansa

Pagpasa ng Magna Carta for Barangay Health Workers pinapurihan

Philstar.com

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ang pag-apruba sa Senate Bill No. 2838 o mas kilala bilang Magna Carta for Barangay Health Workers (BHWs) matapos itong pumasa sa third at final reading sa Senado.

Ikinagagalak ito ng GP (Galing sa Puso) Party-list dahil nalalapit na ang araw ng mga manggagawa. Sinasabi nilang isa itong importanteng hakbang sa pagprotekta sa karapatan ng mga local health worker.

“We also need to take care of the people taking care of us,” sabi ng partido.

Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni GP first nominee Atty. JP Padiernos na isang makasaysayang pangyayari ito para sa mga BHWs dahil kinikilala nito ang kanilang mga sakripisyo.

"Ang panukalang ito ay isang malaking hakbang upang makilala ang kanilang mga sakripisyo, karapatan, at mabigyan ang mga ito ng sapat na suporta at benepisyong nararapat sa kanila," sabi  ni Padiernos.

Ayon sa Uni Global Union, ang Pilipinas ay tahanan ng mahigit 100,000 BHWs na silang nagbibigay ng healthcare services sa lagpas 117 milyong Pilipino.

Sa kabila ng kanilang importanteng responsibilidad, sinabi ng Acta Medica Philippina na nananatiling mababa ang tingin sa BHWs sa health value chain.

Base sa pag-aaral na “Important but Neglected: A Qualitative Study on the Lived Experiences of Barangay Health Workers in the Philippines,” honoraria lamang ang natatanggap ng  BHWs bilang kanilang compensation.

Bihira ang mga incentive dahil available lamang ito matapos ang isang taon ng voluntary services, at naka-depende sa internal revenue allotment ng isang barangay.

Ang Magna Carta for Barangay Health Workers ay naglalayong gawing propesyonal ang BHWs upang masiguro ang kanilang tamang compensation, training, at pagsama sa mga government plantilla positions.

Kasama rin sa nasabing panukala ang iba’t ibang incentives at benefits kasama ang kanilang monthly honoraria, transportation, subsistence allowances, hazard pay, insurance coverage, health emergency allowance, December cash gift, at ang kanilang dedicated service recognition.

Idiniin ni Padiernos ang importanteng tungkulin ng BHWs sa pagtatayo ng isang inklusibo at komprehensibong healthcare system ng bansa dahil sa malaking kontribusyon ng mga ito sa pagpapatupad ng universal healthcare sa Pilipinas.

Matatandaang naghain ng kaparehong panukala ang GP sa Kongreso noong 2022 na siyang naging basehan ng bersyon ng Senado ngayong 2025, tatlong taon matapos maupo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

BARANGAY HEALTH WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with