Tulfo bros., Go, Sotto nanguna sa senatorial bets – Pulse

MANILA, Philippines — Nangunguna pa ring senatorial candidate si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Mula sa 66 senatorial candidates, 14 ang may ‘statistical chance’ na manalo, kung ang May 12, 2025 polls, ay idinaos sa panahon kung kailan isinagawa ang survey.
Nangunguna sa naturang mga kandidato si Tulfo, na nakakuha ng overall voter preference na 62.8%, o statistical ranking na 1st place.
Nasa rank 2-3 naman si Sen. Christopher Go, na may 50.4%; rank 2-4 si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may 50.2%; rank 3-8 si Ben Tulfo, na may 46.2%; habang rank 4-8 ang reelectionists na sina Sen. Pia Cayetano, na may 46.1% at Sen. Ramon Revilla Jr. na may 46.0%.
Nasa rank 4-12 sina reelectionists Sen. Imee Marcos (43.4%) at dating Sen. Panfilo Lacson (42.4%) habang rank 7-13 ang TV host na si Willie Revillame (41.9%).
Nasa rank 7-14 sina Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa (41.2%); dating Makati Mayor Abby Binay (41.1%) at dating Sen. Manny Pacquiao (40.6%) habang rank 9-14 sina Camille Villar (38.4%) at rank 10-14 si Sen. Lito Lapid.
Nabatid na ang survey ay isinagawa mula Enero 18 hanggang 25, 2025.
Nilahukan ito ng may 2,400 respondents na nasa voting age na 18-anyos pataas, at isinailalim sa face-to-face interview.
- Latest