^

Bansa

Pagpapalawig ni Pangulong Marcos sa termino ni Marbil aprub ng House leaders

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ng mga lider ng Kamara ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin pa ng apat na buwan ang termino ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil o hanggang sa Hunyo 2025.

Kasabay nito ay pinuri rin ng mga lider ng Kamara ang epektibong pamumuno ni Marbil pang mapigilan ang mga krimen at ang mas makatao at intelligence-driven na kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabi nina Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, Chairman ng  House Committee on Dangerous Drugs, at Laguna Rep. Dan Fernandez, Chairman  ng House Committee on Public Order and Safety, na ang pagpapalawig ng termino ni Marbil ay mahalaga upang mapanatili ang pinaigting na estratehiya ng pamahalaan sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.

“Gen. Marbil has successfully shifted our anti-drug operations toward a community-dri­ven and intelligence-based approach, ensuring that law enforcement is effective without the unnecessary bloodshed we saw during the previous administration,” ayon kay Barbers.

Pinuri naman ni Fernandez ang pangkalahatang pamamaraan ni Marbil upang mapigilan ang mga krimen at paggamit ng makabagong taktika sa pagpapatupad ng batas.

Samantalang binigyang pagkilala rin nina Barbers at Fernandez sina NCRPO Chief Brigadier General Anthony Aberin at CIDG Chief Brigadier General Nicolas Torre III sa uri ng kanilang pamumuno.

Si Aberin, na pinamunuan ang NCRPO mula Nobyembre 2024, ay nagpatupad ng “AAA” policing strategy, na nagbunga ng 19.61% na pagbaba sa mga krimen laban against persons and property noong Enero 2025 kumpara sa nakaraang taon.

Samantala, sa ilalim nama ng pamumuno ni Torre sa CIDG, nagkaroon ng mahahalagang tagumpay sa pagbuwag ng mga sindikato.Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naaresto ng CIDG ang 1,159 na suspek sa mula Nobyembre 2024, kabilang ang 881 pugante na nasa most wanted list ng pulisya.

PNP

ROBERT ACE BARBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with