^

Bansa

Pangulong Marcos, Cambodian PM magmi-meeting

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makikipagpulong si Cambodian Prime ­Minister Hun Manet kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na linggo.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na sa Martes, Pebrero 11 ay ­makikipagkita ang ­Pangulo kay Manet.

Layon ng pagpupulong na pahusayin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Ayon sa PCO, magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider para talakayin ang pagpapalakas ng kooperasyon sa  paglaban sa mga transnational crime, defense, kalakalan at turismo.

Pag-uusapan din nina Marcos at Manet ang tungkol sa kooperasyong panrehiyon at multilateral meeting.

Dagdag pa ng PCO, ito ang kauna-unahang opisyal na pagbisita ni Hun Manet sa Pilipinas at mananatili siya sa bansa mula Pebrero 10 hanggang 11.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 7,000 Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Cambodia.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with