Buhay partylist itutuloy magandang kultura ng Pinoy
MANILA, Philippines — Pangungunahan ni dating Buhay partylist Congressman at Deputy Speaker Lito Atienza ang kampanya sa Pope Pius XII Catholic Center Auditorium sa U.N Avenue Maynila sa Martes.
Kasama ni Atienza ang kanyang nominees na sina Carlos Sario at Dr. Rene Bullacer na nangakong magtutulungan para makabalik sa Kongreso at maipagpatuloy ang laban ng Buhay para sa pagsusulong ng magandang kultura ng buhay na nawala ng mga nakaraang taon dahil sa kawalan ng kinatawan sa mababang kapulungan.
Ayon kay Atienza, ang banta ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) ang nanatiling banta at isang malaking isyu kaya nais nilang makabalik sa kongreso para maprotektahan ang mga kabataan mula sa mapaminsalang epekto na dulot ng naturang panukalang batas.
“Our children should be guided towards our traditional filipino values such as respect from their elders, good manners and right conduct, instead of this proposed law that would require them to behave according to foreign norms and cultures that would be detrimental to them”, giit pa ni Atienza.
Nanindigan din ang dating kongresista na patuloy ang Buhay partylist sa pagtatanggol ng buhay, mga pagpapahalagang Pilipino at ang pamilya.
- Latest