Termino ni PNP Chief Marbil pinalawig ni Marcos

MANILA, Philippines — Pinalawig ng apat na buwan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang termino ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil.
Sa Memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na naka-address kay DILG Secretary Jonvic Remulla, nakasaad dito na inaprubahan ng Pangulo ang term extension ni Marbil sa kabila ng pagsapit nito sa retirement age na 56.
Si Marbil ang ika-30 PNP Chief at miyembro at ng Philippine Military Academy’s Sambisig Class of 1991 ay magreretiro sana ngayong araw Pebrero 7.
Naluklok bilang PNP chief si Marbil noong Abril 1, 2024.
Bago naging PNP chief, nagsilbi si Marbil bilang PNP Directorate for Comptrollership at naging regional director ng Police Regional Office 8 (PRO-8) at director ng Highway Patrol Group (HPG).
Isinulong ni Marbil ang law enforcement modernization at crime prevention.
- Latest