^

Bansa

5 government officials na-impeached mula EDSA revolution

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula 2000, limang opisyal ng gobyerno sa bansa ang na-impeached ng House of Representatives kasama si Vice President Sara Duterte.

Si Duterte ang kauna-unahang bise presidente ng bansa na napatawan ng impeachment.

Si dating Pangulong Joseph Estrada naman ang kauna-unahang ­Pangulo ng bansa na na-impeached noong ­Nobyembre 13, 2000 pero hindi siya nahatulan matapos magbitiw sa puwesto dahil sa People Power II.

Na-impeached din si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez noong 2011, dating Chief Justice Renato Corona noong 2012, at dating Comelec chairperson Andres Bautista noong 2017.

Nasampahan din ng impeachment complaints sina dating ­Pangulong Corazon Aquino at ­dating Pangulong Gloria ­Macapagal-Arroyo pero hindi nagtagumpay.

Sisimulan ng kasalukuyang 19th Congress ang pagbuo ng Impeachment Court sa Hunyo 2 pero inaasahang ang 20th Congress na ang nagpapatuloy sa pagdinig.

Bagaman at uupo pa rin sa impeachment court ang mga reeleksiyu­nistang senador ng 19th Congress, awtomatiko namang matatapos ang kanilang termino pagpasok ng 20th Congress kung hindi sila mananalo sa darating na eleksiyon.

 

 

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with