Sara Discaya binigyang pagkilala ng Amerika Prestige Awards
MANILA, Philippines — Tumanggap ng pagkilala mula sa Amerika Prestige Awards ang negosyante at philantropist na si Sara Discaya bilang “Empowered Philippine Businesswoman” dahil sa kaniyang hindi matatawarang commitment na makapagbigay ng positive impact sa mundo.
Kabilang si Discaya sa ilang kababaihan sa mundo na kinilala ng Amerika Prestige Awards bilang “Empowered Philippine Businesswoman” for 2025.
Si Discaya o mas kilala sa tawag na “Ate Sara” ay kilala sa pagtulong sa mga nangangailangan upang mapagbuti ang kanilang pamumuhay.
Ayon kay Sam Azurel, presidente at founder of Amerika Prestige Awards,binibigyang-pagkilala nila ang remarkable achievements ng mga kababaihan na kilala sa kani-kanilang larangan.
Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa mga Pinay na hindi lamang naging matagumpay sa kanilang larangan kundi nag-alay din ng oras para maisulong ang kanilang adbokasiya.
Ang paggawad ng parangal kay Discaya ay gaganapin sa May 24, 2025 sa Church of Scientology Valley sa Los Angeles, California.
Si Discaya ay tumatakbong alkalde sa Pasig City sa layong higit na mapagserbisyuhan ang mga mahihirap lalo na ang mga naghihirap na pamilya.
- Latest