Articles of Impeachment vs Sara hawak na ng Senado

MANILA, Philippines — Inakyat na sa Senado ng Kamara ang Articles of Impeachment na naglalayong patalsikin sa puwesto si Vice President Sara Duterte.
Ang Senado ang tatayong impeachment court at lilitis kay Duterte kung saan tatayong judge ang mga senador.
Kabilang sa akusasyon kay Duterte ang maling paggamit ng confidential funds, graft and corruption, at betrayal of public trust—lahat ng grounds para sa impeachment sa ilalim ng 1987 Constitution.
Tumangging magbigay ng pahayag si Senate President Francis “Chiz” Escudero kaugnay sa impeachment complaint upang hindi sila maakusahang may kinikilingan.
Sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva na mahaba pa ang pagdaraanan ng impeachment complaint kabilang na ang pagsasaayos sa rules ng impeachment at pagpapagawa ng robe ng mga senador.
Kailangan ng boto ng 16 senador para ma-convict si Duterte.
- Latest