Rep. Quimbo nanguna sa mayoral race sa Marikina

MANILA, Philippines — Nanguna si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa isinagawang survey ng RPMD patungkol sa magiging mayor ng Marikina para sa May 2025 elections.
Sa inilabas na resulta ng RPMD, nakakuha si Rep. Quimbo ng 58% ng mga boto, kumpara sa 39% na nakuha ng kanyang pangunahing katunggali na si Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro.
Naungusan ni Quimbo si Teodoro ng 19% sa naturang survey na naglalarawan ng matibay na suporta ng mga Marikenyo para kay Quimbo, batay sa RPMD-kilalang organisasyon na may milyong likes at followers sa Facebook page na nagsasagawa ng mga survey sa pulso ng mga mamamayan sa mga isyu sa lokal at national level.
Isinagawa ang survey mula Nobyembre 15 hanggang 20, 2024, gamit ang face-to-face na interbyu sa 1,200 residente ng Marikina.
Kilala si Quimbo sa kanyang track record sa pagsusulong ng mga batas at programang dapat na trabaho ng lokal na pamahalaan, gaya ng KliniQ on Wheels upang matugunan ang kakulangan ng health centers sa Marikina.
Kamakailan ay inilunsad ni Quimbo ang kaniyang Qnektado initiative, para mas mapadali ang access sa impormasyon at online services para sa mga residente ng marikina.
- Latest